Sunday, February 8, 2009

tumutula ng wala.

Paumanhin kung ang salita na
uusbong mula sa mga
titik na naglalaro dito ay 'di
akma sa batayan mo
ng kung ano ang matino at kung ano ang
garapal na panitikan.

Isipin mo nalang bahagi ka
ng isang proseso na nawa
ay maintindihan pagdating mo sa puntong ito.

Madali bang malaman ang mensaheng nakaukit?
o kailangan pang basahin ang unang letra ng bawat linya?


No comments: