Wednesday, February 25, 2009

the boy abunda technique.

Sa totoo lang, ang entry na ‘to ay isinulat gamit ang English. Pero na-feel ko na hindi parehas ang dating at bigat ng salita kaya eto, Taglish mode muna tayo. Here it goes:

Ganito lang naman ang point ko: Naisip ko lang na kahit gaano katindi ang pagpipigil ng isang tao na hindi maging mayabang, na hindi maging hambog, darating ang panahon na ang konsepto ng lehitimong kapangyarihan at impluwensya ay aabot sa rurok ng pagkasidhi na hindi mo na maiiwasan maging mayabang at hambog kinalaunan.

Kung dati lahat pinapansin mo at ‘di kinakalimutan, ngayon ikaw na ang “leader”, not for the day, but forever. Pwede ka na magdikta kung sino ang pwedeng iwanan, sino ang pwedeng ‘wag kibuin, sino ang pwedeng pagdamutan, sino ang pa-plastikin dahil kailangan mo ngayon, sino ang functional, sino ang hindi. And take note, ang basis and standard of everything that needs to be assessed ay ikaw at ikaw lamang – wala ng iba, period, no erase.

And to make things worse, merong mga tao na nakapaligid sayo na walang humpay ang pag-ihip sa ulo mo para lumaki at lumobo. Napapaligiran ka ng mga taong akala mo kung sinong garapata na nakiki-angkas sa balahibo at balat mo, pero malaman-laman mo nalang, sinisip-sip na pala ang dugo mo – leading you to your fatal death. Pero eto ang catch, ang moment of epiphany ay halos parating nasa huli.

Kaya nga dapat lahat ng tao kilala ang sarili nila kung kaya ba nila magpigil. Kung sa pagkain lang, ‘di mo na kaya, anong assurance mo na sa abstract concepts of power and influence kaya mo magtimpi? Alam ko na pwede kang makipagtalo na since abstract s’ya, then dapat mas acceptable ang pagiging uncontrollable nito, but then again, wish ko lang gets mo yung point ko.

Lahat dapat merong self-assessment period everyday. Kahit gasgas na ang konsepto ng reflection and meditation, eh kung yun lang ang paraan kung paano mo maiiwasan ang pagiging hambog at mayabang, then why not? Friend, eto ang salamin, sino ang nakikita mo? Ikaw pa ba yan?

No comments: