Sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Hindi ko na alam ang susunod na titik na ilalapat sa bakanteng espasyo sa harap ng mga mata ko, sa kung anong saliw ng mga tiklado ng titik iimbay ang mga daliri upang ang diwa ay magkaroon ng buhay. Pagkatapos nito, ano na? Isang imbentong diwa na lilikha ng kasinungalingan upang masaid ang pagnanais mong humugot ng saysay sa panitikang ito?
Sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Hindi ko na alam kung saan huhugot ng emosyon upang iakma ang panitikan na nabuo mula sa ibang estado ng diwa, ibang estado ng emosyon, ibang-ibang iba.
Sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Hindi ko na alam kung paano makakamit ang pinakaaasam na ligaya mula sa panitikan na pilit kong hinuhubog gamit ang alaala mong pilit kong linilimot at pilit kong tinatandaan.
Sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Hindi dahil sa’yo. Aba, putang ina mo kung hanggang ngayon yun ang iniisip mo. Pero, putang ina mo pa rin kasi ikaw ang sanhi ng lahat na ‘to.
Putang ina. Sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Bow.
Saturday, February 7, 2009
sa totoo lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment