Masaya ako dahil meron akong bagong kumot. Hindi man siya ganun kaganda, pero nandun siya nung nilalamig ako ng sobra-sobra. Hindi man siya ganun kakapal tulad nung luma, inialay pa rin niya ang sarili niya kahit alam n’yang hindi niya ako kayang panatiliing kumportable buong gabi.
Ang importante sa akin, nandun siya nung nangailangan ako. ‘Di tulad nung luma kong kumot, minahal ko ngunit nawala nalang ng bigla. Nakalimutan yata niya na kumot siya at hindi bula.
Kung meron man akong ikinalulungkot, eh yun yung katotohanan na hindi pa sa akin nang tuluyan yung kumot ko ngayon. Bago dahil bago ko itong ginagamit. Pero hanggang hindi ito ipinagkakaloob sa akin ng tuluyan, darating ang panahon na kukunin din ‘to, aalis at lilisan – isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko ito kayang mahalin ng tuluyan. Pero masaya ako dahil meron akong kumot sa ngayon. Basta, iyon ang mahalaga.
Friday, February 6, 2009
ku mowt.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment