Tuesday, December 16, 2008

pangungulila I.



Hayaang tatwain
ng mga sinag araw
ang tunay na diwa
ng damdamin
upang tulad ng
bukas na sugat
tubog
sa lalim ng tubig dagat
madama ang dalisay
na poot
na pait
na hapdi
at rurok ng purong
pagmamahal
nang ika'y iniwang
mag-isa
nagmamahal


No comments: