Wednesday, November 5, 2008

paulit-ulit.

Maraming hindi nakakaintindi kasi marami rin ang ayaw umintindi. Maraming hindi nakakaintindi kasi marami rin ang hirap umintindi. At maraming hindi nakakaintindi kasi marami rin ang nagkukunwaring nakakaintindi.

Isang sistema, proseso na patindi na ng patindi. Isang sistema, proseso na paulit-ulit nating ginagawa. Isang sistema, proseso na palala ng palala.

Isang sigaw. Lahat lilingon. Putang Ina.

Sigaw na tahimik na dalisay na kinikimkim. Sigaw na tahimik na marahan kang guguluhin. Sigaw na tahimik na sa harap mo ay nagtatagong mahinhin.

Mga matang mapanghusga dahil walang ibang mundo kundi ang sarili. Mga matang mapaghusga dahil sa tayog ng posisyon na ang nagluklok ay ang sarili. Mga matang mapanghusga na nakatingin, tumitingin, at habang buhay na titingin at susulyap sa sarili.

Magpumilit man ang iyong diwa sa pagyakap sa mga bagay na ipinararating, hindi mo magagawa. Yapusin ang katotohanan na ang balakid ay ang mukha. Wala kang magagawa.

Maraming hindi nakakaintindi kasi marami rin ang ayaw umintindi. Maraming hindi nakakaintindi kasi marami rin ang hirap umintindi. At maraming hindi nakakaintindi kasi marami rin ang nagkukunwaring nakakaintindi.

Mga nagkukunwaring nakakaintindi.

No comments: