Dear God,
Yung probsheets ko po, lahat for revision. Tanggap ko naman po na tao lang ako at nagkakamali, pero bakit po ganun? For revision na nga lahat, ibig sabihin wala pa akong topic, tapos sa August 7 pa rin yung deadline ng annotated bibliography? Ang sakit sakit po sa puso at isipan. Pwede po ba magpatulong? Naguguluhan na rin po kasi ako. Patatagin n’yo po ako.
Kailangan ko rin po ng tulong sa pag-aayos ng buhay ko. Kasi naman po, kung hindi kailangan, hindi ako makatulog. ‘Pag naman sobrang kailangan ko, ang bilis ko dapuan ng antok. Sobra ah. Alam ko po na hindi bawal matulog, pero po kung hindi kasya ang bente-kwatro oras para matapos ko ang lahat ng kailangan kong gawin, sa tinggin ko po, dapat matutunan kong isantabi ang mga bagay na pwede ko munang kalimutan. Matiisin naman po ako eh. Kailangan ko lang ng tulong. Tao lang po.
Mabanggit ko na rin po, ano? Itatanong ko lang din po kung bakit yung ibang mga tao ang insensitive. Minsan kung makaasta sila hindi nila alam na nakakasakit sila. Pero kapag naman ibinalik mo sa kanila yung ugali nila, akala mo kung sino magalit. God, kamusta naman? I think, kailangan nila ng guidance mo.
At God, tama po ba lahat ng ginagawa ko? Kasi po kung hindi, sana po sabihin n’yo nalang sa akin. Ayoko po ipagpatuloy ang isang bagay na wala namang naghihintay sa huli. Matututo naman po ako sa ibang bagay, ‘di ba? Kaya ko masaktan, pero hindi po ngayon. Tulad po ng nabanggit, yung probsheets ko po for revision. Madaming trabaho na kailangan tapusin, mga deadline na kailangan habulin. Pero dahil kayo si God, alam n’yo po na masaya rin naman ako ngayon. Pero, tama naman po yung logic ko, ‘di ba? If you’re happy today, why not try to be happier tomorrow? God, patulong naman please. Salamat po.
Amen.
Ay God, P.S.: UPCAT na po this weekend, pero yung kapatid ko hindi ko nakitang magrereview kahit minsan. May usapan po ba kayo na aanigan s'ya ng karunungan sa araw ng UPCAT? Or narinig n'yo po s'ya na kumakanta ng Jesus Take the Wheel? In any case, kayo na po ang bahala sa kanya. Salamat po ulit.

No comments:
Post a Comment