Wala na akong maisulat sa blankong espasyo na ito. Halos araw-araw nilalamon na ng walang katapusang gawain ang oras ko. Wala na akong oras, kung ‘di kakarampot, hulihin ang mga napagtanto sa buong araw at ilapat rito upang malaman at maintindihan mo.
Wala naman akong ibang iniisip kung ‘di ikaw. Hindi mo na rin dapat problemahin kung bakit pinagtutuunan kita ng oras kahit sa pag-iisip lang. Dahil sa totoong buhay, naisin ko man ilaan ang oras ko sa piling mo, sadyang hindi maari.
Pero sino ka nga ba? Isang kaibigan o isang kakilala lamang? O isang tao na higit pa sa sinuman?
Wala rin namang mag-iiba kung bibigyan kita ng iba’t-ibang pangalan o iba’t-ibang pangalan para sa relasyon na namamagitan sa ating dalawa. Kaibigan o ka-ibigan, walang pinagkaiba – sa pulumpon ng mga titik nababalot ang salitang ‘ibig’.
Kaya wala ring pagkakaiba kung wala na akong maisulat sa blankong espasyo na ito. Ang bulgar na paglalahad ng naiisip sa sulatin na ito ay sadyang pag-ulit lamang ng bagay na naiisip at pinipili kong gawin sa pang-araw-araw, tulad ng pag-iisip sayo. Kaya hindi ko na rin kailangan sabihin kung ano ang nararamdaman ko, dahil sa puntong ito, sa tingin ko, hindi mo na maitatanggi na alam mo.