Isang araw, may isang pagong na nakatira sa malayong lugar. Buti nalang medyo mataas yung lupa sa tirahan nila kaya ang tawag dun ng karamihan ay burol, hill sa English. Ngayon, yung pagong na yun kabilang sa isang malaking komunidad ng mga pagong. Kumbaga sa mga langgam, colony ang drama ng mga pagong na ito. Dahil langgam-langgaman silang lahat, bawat isa sa mga pagong dun sa burol ay may natatanging tungkulin. Ang bida nating pagong ay kabilang sa mga naghahanda ng pagkain para sa buong komunidad. Ang paniniwala ng mga pagong na ito, lahat ng bagay ay dapat pinag-iigihan. Kaya naman bilang isang pagong na nakatoka sa pagkain, pumapasok sa isang ekwelahan itong bida nating pagong. Ang tawag sa kanya ng buong komunidad ay Frog. Dati kasi sinubukan niyang tumalon mula sa tuktok ng burol. Kapos yung initial force, so hulaan mo nalang yung naging trajectory niya. Parang re-enactment lang ng Jack and Jill. So yun. Pero bawal ma-confuse kasi pagong pa rin s'ya, ah.
Sa kabilang lupalop naman, merong isang kuneho. Mas mababa yung lupa na tinitirahan nila kaysa dun sa mga pagong. Kaya naman ang tawag dun ng karamihan ay hill foot, walang direct translation sa Filipino. Ang kuneho na ito ay kabilang rin sa isang komunidad ng mga kuneho. Langgam-langgaman din ang moda nila, kaya naman ang lahat ay may tungkulin din. Sa ngayon, wala pang tiyak na trabaho itong bida nating kuneho. Ngunit pumapasok din s'ya sa isang eskwelahan upang linangin ang kanyang interes sa pagsusulat. Araw-araw nagsusulat itong bida nating kuneho ng samochi. As in for today magsusulat s'ya, S-A-M-O-C-H-I. Then kinabukasan magsusulat ulit s'ya ng S-A-M-O-C-H-I. Paulit-ulit lang yun, S-A-M-O-C-H-I. Pagkatapos n'ya magsulat, inilalagda n'ya ang pangalang Manoling.
Parehas na pala-kaibigan ang pagong at ang kuneho. Si pagong, halos puro guy pagongs yung friends n'ya. So pag nakikita niya yung mga kaibigan n'ya, ang bati ni Frog ay "Hey guys!" Meron din naman s'yang girl pagong friends. Mangilan-ngilan doon, tawag niya ay best friend. Si kuneho naman, halos equal ang dami ng guy kuneho at girl kuneho friends. Pero ang parating kasama ni kuneho ay yung girl kuneho friends n'ya. Wala kasing inatupag yung mga guy kunehos kundi maghanap ng girlfriends. Did I mention na may pagka-studious kasi itong si Manoling? Well, if I haven't, now you know. Minsan ng nagkaroon ng isang Grand Circumferential Area Get-Together Party sa buong kalupaan. Ibig sabihin lang nun, minsan ng nagkakilala itong si Frog at Manoling. Pero matagal na yun. Hindi sila close.
Isang gabi, may dinaramdam itong si Frog. Naisipan niyang umakyat sa tuktok ng burol upang magpahangin, tahimik rin kasi doon. 'Wag na natin pag-usapan kung bakit emo si Frog. Mahirap mag-expound, pero related ang puso. Hindi ako sure, pero barado ata yung isang ugat. Akala mo love life nanaman?! Anyways, nung gabi ring iyon nasa kalagitnaan ng pagsusulat itong si Manoling. S-A-M-O palang yung tapos. Hindi tiyak ang dahilan, ngunit namangha itong si Frog sa mga letra. Kung ikaw ba naman puro saluyot, kangkong, at kung anu-ano pang dahon kaharap mo halos araw-araw, hindi mo rin siguro maiiwasang mamangha. Oras na nun ng pagtulog, maaga pa kasi muling papasok itong si Frog. Kaya naman kahit hindi pa tapos magsulat si Manoling, iniwan na niya ito.
Naging tila adiksyon kay Frog ang mga letra. Naging habit na ang pag-akyat niya sa tuktok ng burol. Sinwerte siya dahil nung isang gabi na muli s'yang napadpad roon, nakita na niyang tapos ang sinulat ni Manoling. S-A-M-O-C-H-I. Pautal-utal niya iyong binasa. S-A-M-O-C-H-I. "Wow, that kuneho is great," wika niya sa sarili. Nabaling ang leeg ni Frog sa mga bagay na nakapaligid kay Manoling. Napansin n'yang matagal na nagsusulat ang kuneho, ang dami kasing samochi sa paligid. Nung oras ding iyon, may naganap sa puso ni Frog - bumilog iyon at tila naging bola.
Ilang araw nagmanman itong si Frog. Hanggang napag-desisyunan niyang kaibiganin na talaga si Manoling.
Malalim na ang gabi. Mula sa tuktok ng burol, kitang-kita ni Frog na nagsusulat pa rin itong si Manoling. "Perfect," wika ng pagong. Kaya bumaba siya sa tuktok ng burol at lumapit sa kuneho. "Hi!" ang unang salita na namutawi sa bibig ng pagong. Na-distract si Manoling, pero dahil friendly siya, nag-hi din s'ya. Hindi siya nag-e-expect ng follow-up, pero tumuloy pa rin sa pagsasalita itong si Frog. "Ang galing mo namang magsulat," sabi niya, "S-A-M-O-C-H-I." Nagitla ang kuneho. Hindi niya inaasahan na bukod sa mga kaibigan niya, may iba pang nagbabasa ng kanyang mga lathala. "Thanks," sagot ni Manoling. Nahiya ata muli itong si pagong, dahil pagkatapos niya marinig ang sagot ng kuneho, iniwan na niya ito at umuwi.
Hindi yun ang huling paguusap ng pagong at ng kuneho. Gabi-gabi bumibisita itong si Frog kay Manoling. Nung puntong iyon, matatawag mo na silang friends. Namutawi ang tuwa sa kuneho. Kasi naman may friend na siyang pagong. Would you believe it? Pero hindi pa rin sila close. Ngunit ang masama diyan, nakakahawa pala itong si Frog. Bumilog kasi bigla ang ulo ni kuneho. Sad, no?
Nauntog ata si Manoling sa tambak ng mga samochi sa paligid niya. Hindi siya makapaniwala na nung isang gabi lamang bumilog ang ulo niya. Ngayon, niyayaya na siya ng pagong na maging sila. Would you believe it? Even I can't. Pero since postmodern ang kwentong ito, we shall continue.
Ilang araw lang nanuyo si Frog. Ilang araw lang nakuha na niya ang gusto niya - ang kunehong si Manoling.
Masaya ang unang linggo ng pagsasama ng dalawa. Minsan lang sila magkita, dun pa parati sa hill foot. Medyo liberal kasi mga nilalang doon. Napakabihira rin kasi ng relasyong kuneho at pagong. Kahit pa sabihin mong sa past life ni Frog, siya ay isang kuneho, at sa past life ni Manoling, siya ay isang pagong, hindi pa rin swak ang pagsasama na iyon. Nabubuhay tayo sa present, remember?
Lumipas ang ikalawang linggo, steady lang sila. Pagdating ng ikatlong linggo, naging medyo marupok ang kanilang pagsasama. Paano ba naman, may nakita kasi itong si Manoling na "I love you" message para sa pagong mula sa isang kapwa kuneho. Amazing, right? Nagtanong ang kuneho sa pagong kung sino iyon. "Ex ko yun," sabi ni Frog. Ewan ko. Dahil na rin siguro, bilog na ang ulo ng kuneho, naniwala siya. Hindi na niya iyon pinansin, paano ba naman, "ex" na daw eh. Sabi nga sa eskwelahan ni Manoling, pag "ex" na ang tawag, ibig sabihin nun, parte na siya ng nakalipas. Nagtiwala ang kawawang kuneho. Nagtiwala si Manoling. Kaya tuloy pa rin ang kuneho-frog relationship.
Ikaapat na linggo na ng pagsasama ng dalawang nilalang nang magpaalam si Frog na 'di muna makikipag-usap. Paano ba naman kasi, busy daw sila sa eskwelahan nila sa paghahanda ng pagkain. Dumating na ang tone-toneladang suppy nila ng sayote, kangkong, at kung anu-ano pang dahon, at kailangan iyong ayusin. In short, sila ang naatasan maging in-charge sa lahat ng supply. Dahil naunawaan ng kuneho ang pangangailangan ng sitwasyon, pumayag siya. Nagtiis.
Dumating sa punto na di na nakapag-timpi pa si Manoling. Siya na mismo ang pumunta sa burol. Doon niya nakuha ang pangako ng pagong na sa susunod na linggo, maari na sila ulit makapag-usap. Nabuhayan muli ang kawawang kuneho.
Sumapit ang linggo na ipinangako ni Frog. Mamatay-matay na kahihintay si Manoling ng buong araw, pero wala. Ngunit dahil may tiwala pa rin siya sa pagong, naghintay siya muli. Umusad ang mga araw at ang bida nating kuneho ay naiwan pa ring nagaabang sa pagdating ng pagong, ngunit wala talaga. In other words, butata.
'Wag ka na magtaka kung ang susunod na mababasa mo ay tungkol sa hapis ng kuneho. Pero dahil medyo korni ang parte na iyon, at hindi naman ito Maalaala Mo Kaya, Aesop Fable Version. Lulundag na tayo sa yugto kung saan naranasan ng kuneho ang ultra sensible na Epiph - ang Epilogue.
Pagkatapos ng ilang linggo, napagtanto ni Manoling na ang gusto lang pala ng pagong ay makuha ang kanyang puso. Nakuha niya iyon. Alam na natin yan. Yun ay nangyari pagkatapos mabilog ang ulo ng kuneho. Mahina kasi yung kuneho. Hindi siya sanay sa ganyang bagay. Marahil kasalanan rin niya yan. Kung pinantay niya lang ang kanyang panahon para sa pag-aaral, pagsama sa mga girl kuneho friends niya, at pagsama sa mga guy kuneho friends niya na, as mentioned, halos walang alam gawin kundi maghanap ng girlfriends, hindi sana ito nangyari. Hindi rin pala ganun katalino ang kuneho. Tignan mo ngayon, emo ang moda ni Manoling. Nagmukha siyang tanga sa maraming pagkakataon. Alam niya 'yun. 'Wag mo na ulitin sa harap niya, baka the next thing you know, naglalaslas na sa isang sulok ang kuneho. Tulad ng kanyang mga kauri, kapag naiwan ng minamahal, nagpapakamatay. Pero naniniwala ako na hindi ganun ang bida nating si Manoling. Sabi ng mga matatabil ang dila, malakas siyang nilalang. Kahit durog na durog na siya sa loob, smile pa rin ng smile. Paano ba naman, may pagka-great pretender din ang drama niya. Tulad rin ng mga nawalan, magiging mabuti rin siya sa takdang panahon.
Habang nasasaktan itong kuneho, ang bida nating pagong ay hindi pa rin nagpaparamdam. Para sa kanya, ganun nalang kasi yun: Bumilog ang puso niya, kinailangan niya ng bagong puso, bumilog ang ulo ni kuneho, at nakuha ng pagong ang bago niyang puso. Yun ang hudyat ng pagkawala niya. Tila usok ng sigarilyo mong pinagkatuwaan; usok na biglang nawala; and the next thing you know, may lung cancer ka na, friend. Akala mo harmless, no? Akala rin nung kuneho.
Iwasan naman natin husgahan si Frog. 'Wag naman natin siyang tawaging user, manggagamit sa Filipino. Baka naman kasi natakot lang siya na matuklasan ng ibang pagong friends niya na may ka-relasyon siyang kuneho. Baka naman na-realize niya na iba pala magmahal ang kuneho, at 'di niya kayang tanggapin na hindi niya yun naranasan sa isang kapwa pagong. Baka naman confused si Frog, at hindi niya matanggap ang confusion. Baka naman kasi na-"fall out of love" lang ang pagong nung makakita siya ng starfish. O baka naman kahit mag-imbento tayo dito ng ilang milyong dahilan na pwedeng ng i-relate sa Global Financial Crisis, hindi natin malalaman ang tunay na motibo nung pagong, maliban sa gusto niya ng bagong puso at maliban rin kung magsasalita siya.
Nasa proseso pa rin ng paghihilom si kuneho. Si pagong naman, kasalukuyang nasa proseso ng pagdidiwang ng buhay. Whatever that means. Ipapaalala ko lang na postmodern ang kwentong ito, so dito na ito magtatapos. Iiwanan ko nalang kayo ng final words: Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. Hanggang maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti." Galing yan sa First Letter ni St. Paul to the Romans. Halata bang Catholic-school bred?
No comments:
Post a Comment